CBI Fun Day matagumpay na naisagawa

019ffbca-4259-408b-87c2-d897711e1bab

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng Christian Brotherhood International ang CBI Fun Day. Isinagawa ito sa covered court ng Urdaneta City National High School, Urdaneta City, Pangasinan noong Miyerkules, November 30, 2016.

Ang Christian Brotherhood International (CBI) ay isang organisasyon ng mga estudyanteng Iglesia Ni Cristo na nasa High School at College. Naitatag ito noong taong 1976.

Layunin ng aktibidad na lalo pang mapasigla ang mga estudyante ng INC sa silangang bahagi ng Pangasinan. Mapalayo sa anumang maling gawain at magkakakilala ang lahat ng miyembro saan mang paaralan sila kabilang.

Sa programang kanilang inihanda ay ipinakita ng mga estudyante ang kanilang angkin talento sa pagsasayaw at pagkanta. Nagkaroon din sila ng mga palaro at team building activity.

Ayon kay Azzah Leah Lubrin, CBI Preseident, masayang masaya siya dahil may mga ganitong aktibidad ang CBI para lalo pang mabuklod at magabayan ang bawat miyembro tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Pinangunahan ni Bro. Aldrin Guingab ministro ng ebanghelyo kasama ang mga officer ng CBI ang nasabing aktibidad.

Luz Abaya – EBC Corresponent, Urdaneta City, Pangasinan