CDDRRMO Tabuk naghahanda na sa pagdating ng Super Typhoon Lawin; 13 evacuation center binuksan na

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Kaugnay ng paghahanda sa super typhoon Lawin nagbigay na ng listahan ng mga magiging evacuation center ang CDRRMO sa lungsod ng Tabuk. Batay sa inilabas na datos ay 13 na paaralan ng elementary at highschool ang pansamantalang gagamitin upang maging evacuation centers.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Tabuk City na gawin na ang kaukulang pre-emptive evacuation. Huwag na aniyang hintayin kung kailan kasagsagan ng bagyo ay saka naman mag-e-evacuate. Dagdag pa ng ahensiya iwasan muna ang paglabas ng bahay. Ugaliing mag-monitor sa radyo o telebisyon tungkol sa bagyo. Dapat ay nakahanda na rin ang mga gamit kung sakaling tumama na ang bagyo tulad ng flashlight, transistor radio, gamot, pagkain at iba pa.

JB Sison – EBC Correspondent