Cebu City Mayor Osmeña inalisan na ni Pangulong Duterte ng police power

850620159_17575_3684146254648144750

CEBU City, Cebu (Eagle News) – Inalisan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng police power ang alkalde ng Cebu City na si Tomas “Tommy” Osmeña.  Inilipat na sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang direktang pagmamando ng pulisya ng Cebu City matapos na hindi pinagbigyan ang hiling ng alkalde na huwag nang palitan ang hepe ng pulisya sa Cebu City.

Dahil sa malawakang kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra sa kriminalidad at pagsugpo sa talamak na bentahan ng droga sa Cebu ay pinalitan ang hepe na ikinadismaya ni Mayor Osmeña. Idineklara ng alkalde na aalisin na niya ng lahat ng suporta ng Lokal ng Pamahalaan para sa pwersa ng kapulisan tulad ng mga benepisyo at allowances. Maging ang budget ukol sa gas/krudo para sa mga patrol cars at iba pang service vehicles na malaking tulong sana sa mabisang pangangalaga ng peace and order ng lungsod ay inalis na rin ng alkalde.

Noong hindi pa inilabas ng pangulo ang mga pangalan ng narco-politicians ay inunahan na ni Mayor Osmeña na posibleng isa siya sa babasahing pangalan.

Courtesy: Kit Montes