Cebu, dinaragsa ng South Korean nationals

CEBU CITY, Cebu (Eagle News) – Dumarami ang mga turista na mula sa bansang South Korea ang tumutungo sa Cebu upang magrelax at magbakasyon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), posibleng taguriang “Seoul of the Philippines” ang Cebu dahil sa umabot na sa halos isang milyong South Korea nationals ang naitala na bumisita nitong 2017.

Kabilang ang peace and order, connectivity at hospitality ng mga Pilipino sa mga dahilan ng paglago ng turismo.

Kadalasang pinupuntahan ng South Koreans ang Cebu City, Bantayan, Mactan, Camotes, Oslob at Malapascua Islands.

Related Post

This website uses cookies.