Century bomb natagpuan sa Surigao City

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – 500 pounds na World War II bomb plodded at active pa ang natagpuan ng construction workers sa Surigao del Norte National High School. Ang buong akala nila noong una ay isang treasure ngunit nang kanilang linisin ay nakita nila ang pin ng nasabing bomba.

Nagsagawa naman ang awtoridad ng force evacuation sa mga residente na nakatira 300-500 meters radius zone. Kanselado na rin ang pasok ng mga paaralan malapit sa nasabing lugar kung saan natagpuan ang bomba. Ipinagbabawal na rin sa publiko na dumaan sa Highway na malapit sa area.

Dumating din sa lugar ang mga bomb expert mula sa Regional office ng PNP at army para ma-i-detonate sa lugar na kung saan malayo sa mga residente. Nag-activate na ang lokal na Pamahalaan ng Incident Management Team para sa isang ligtas at maayos na action.

Jabes Azarcon – EBC Correspondent, Surigao del Norte