Ceremonial burning ng mga nakumpiskang marijuana, isinagawa sa Kiblawan, Davao del Sur

KIBLAWAN, Davao del Sur (Eagle News). Lumahok nitong Huwebes, August 4 sa isinagawang Ceremonial Burning ang mga tauhan ng Kiblawan Municipal Police Station sa pangunguna ni PCI Rey O. Santillan, kasama din ang mga tauhan ng Davao Sur Police Provincial Office (DSPPO) sa pangunguna naman ni PSupt. Antonio Rotol, at mga opisyales ng City Hall ng Kiblawan.

Ang mga nasabing marihuan ay binunot ng mga awtoridad sa dalawang pangunahing operasyon nito sa Sitio Bongsbang, Brgy. Kimlawin, Kiblawan, at sa Sitio Fankiwing, Brgy. Bolol-Salo, Kiblawan noong lunes Agosto 1, 2016.

Ayon sa Philippine National Police ng Kiblawan, ang mga nasabing nabunot na marijuana ay umabot sa kabuuang (636) na kilo na tinatayang aabot ang halaga nito sa pamilihan ng 636,000.00 pesos.

(Eagle News Haydee Jipolan, Saylan Wens – Davao City Correspondent) (Photo courtesy of Philippine National Police Region 11)

Related Post

This website uses cookies.