(Eagle News) — Kung ngayon pagbobotohan ang Charter Change tiyak na maibabasura ito sa Senado.
Ito ang naging pahayag ni Senador Ping Lacson, kung saan mayorya sa kaniyang mga kasamahan ang ayaw sa anumang paraan para amyendahan ang Saligang Batas.
“Ang Senado will really make a stand as one tungkol sa Cha-Cha… We will assert our role in accordance with the provisions of the Constitution, as simple as that. Meaning, we’ll not enter into a joint session or convene into a joint session kung hindi malinaw na voting separately. And may mga ideas that we won’t make ourselves open to any possibility of a joint session,” ayon sa Senador.
Matigas rin ang paninindigan ng Senado na haharangin ang anumang pagtatangka para sa kanselahin ang eleksyon sa 2019.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ito ang nabuong consensus sa ipinatawag na all members caucus.
Nagkasundo rin aniya ang mga senador na hindi mamadaliin ang pagtalakay sa anumang amyenda ukol sa Saligang Batas partikular na ang panukalang Federal constitution na isinumite ng Constitutional Commission.
“Di pwede sa amin yun, maliwanag ang ating constitution at kung narinig nyo ang speech ko kahapon, pinangunahan ko ang maaaring maging intensyon nila. Whether sinadya o hindi. God permitting ganoon ang mensahe naming. Hindi kasi pwede yung gusto nilang ganun,” pahayag naman ni Sotto.
Gayunman, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na itutuloy ng Senate committee on Constitutional Amendments ang Cha-Cha hearing para himayin at pag-aralan ang draft Federal Constitution.
Pero sa ngayon, hindi aniya pabor ang maraming Senador sa isinusulong na federal constitution dahil itutulak lamang nito ang red tape, pagpapalakas ng dinastiya at mas malaking buwis na makakasama sa ekonomiya.
“My reading is that a great majority is against it. Federalism will add to the bureaucracy, red tape, more taxes, greater tension in government, will promote dynasty, bad for economy, credit down grade, etc. better to amend local government code, implement Supreme Court decision on ira and focus on creating jobs and a lower inflation rate,” ayon naman kay Zubiri.
Kinumpirma naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na walang utos na madaliin ang ChaCha.
Dadaan pa aniya sa mahabang debate ang anumang panukala para amyendahan ang Saligang Batas.
“Ang stand namin sa Cha-cha tuloy ang hearing [at] hindi po namin mamadaliin. Walang utos na madaliin ito,” pahayag ng Senador. (Meanne Corvera)
https://youtu.be/uTsUkod2kUY