“Change of Command Ceremony” ng 102nd Infantry Brigade matagumpay na naisagawa

ZAMBOANGA SIBUGAY (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang “Change of Command Ceremony” ng 102nd Infantry Brigade na isinagawa nitong Sabado, Pebrero 4 sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sa nasabing okasyon ay ipinahayag ni Col. Jacinto R. Bareng, incoming Brigade Commander ng 102nd Infantry Brigade ang kaniyang mga plano. Kasama sa kaniyang priority list ay ang sumusunod:

  1. Pagtatagumpay laban sa mga “auxiliary threat troops”
  2. Pagsulong ng Peace Process sa MILF at MNLF.
  3. Pagsuporta sa mga ahensiya ng gobyerno sa mga hakbangin kontra sa droga at kriminalidad.
  4. Pagpapatuloy ng “capability build-up”
  5. Pagmintina sa moral and welfare ng mga tropa ng Brigade.

Ang mga ito aniya ay mahalaga upang manatili ang alab ng mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga kaaway. Dagdag pa niya, isang pribilehiyo aniya na siya ang pinili na mamuno sa Brigade dahil alam niyang naging maganda ang pamamahala ni Col. Nixon M. Fortes (outgoing commander). Magtatrabaho aniya ang sundalo “side by side” upang masolusyunan ang problema sa seguridad na matagal ng suliranin.

Sa nasabing okasyon ay emosyonal na nagpaalam si Nixon sa brigade bago binasa ang kaniyang “relinquishment orders”. Bilin niya kay Bareng, “Ingatan mo sila, magagaling sila at mababait.”

Jen Alicante – EBC Correspondent, Zamboanga Sibugay