(Eagle News) — Tiniyak ng Commission on Higher Education(CHED) na kanilang ilalabas ang listahan ng mga unibersidad at kolehiyo na magtaas ng matrikula para sa school year 2016 hanggang 2017.
Sinabi ni CHED Chairperson Director Patricia Licuanan, ito ay para malaman ng publiko kung alin-aling paaralan ang may “tuition hike”.
Dagdag pa ni Licuanan, kailangan lamang tiyakin na ang mga papayagang magtaas ng matrikula ay magtataas din ng sahod ng kanilang mga tauhan at magsasaayos ng pasilidad.
Noong nakalipas na taon na mahigit tatlungdaang kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng matrikula at iba pang bayarin.