CHED, nagkaroon ng paglilinaw sa memo ukol sa suspensyon ng field trips

(Eagle News) — Nagpalabas ng paglilinaw ang Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa ipinatupad nitong moratorium sa pagdaraos ng field trips at iba pang kahalintulad na aktibidad, makaraan ang aksidenteng naganap sa Tanay Rizal noong Lunes.

Sa memorandum na nilagdaan ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, binigyang-linaw nito ang mga aktibidad na hindi sakop ng umiiral na moratorium.

Kabilang sa exempted o hindi sakop ng moratorium ay ang ‘internship’, local man o abroad gaya ng  on-the-job training, practicum, field instruction, field study at ship board training.

Exempted din sa ipagbabawal ang mga international educational trips, gayundin ang international educational linkages na sponsored o inindorso ng national government.

Para sa iba pang school activities na  hindi nabanggit ng ched, pinayuhan ang mga paaralan na makipag-ugnayan muna sa regional office ng komisyon bago gawin ang aktibidad.

Eagle News Service

https://youtu.be/3PA0cQQIljo