(Eagle News) — Idineklara ng rural health unit ng barangay Poblacion, North Cotabato ang Chikungunya outbreak kasunod ng pag-taas ng bilang ng mga pasyente sa iba’t ibang ospital dahil sa nasabing virus.
Ayon sa Municipal Health Officer, nasa limampung residente na ang nahawa ng virus mula nitong nakaraang linggo.
Kinumpirma rin ito ng Regional Institute of Tropical Medicine mula sa blood samples ng mga pasyente.
Kabilang sa mga sintomas ng mga pasyente ang lagnat at pananakit ng kasu-kasuan.