DAVAO CITY (Eagle News) – Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa tumataas na bilang ng kasong child abuse sa buong Bansa. Sa pahayag ng Pangulo bago ito umalis patungong Lima, Peru ay kaniyang tiniyak na sa pagbabalik niya ay tututukan ang mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso, pananakit at pagpatay sa mga bata at maging sa mga kababaihan. Sinabi rin ng Pangulo na kaniyang kakausapin ang DSWD ukol dito.
Ayon pa sa Pangulo, marami sa mga biktima ay menor de edad na ang mga magulang ay nagtatrabaho sa Middle East. May kaso pang pambubugbog sa dalawang taong gulang na bata na hindi ito katanggap-tanggap. Kaya dapat aniyang masolusyunan sa lalong madaling panahon ang ganitong mga problema.
Ang tumataas na bilang ng kaso ng child abuse ay may kinalaman aniya sa paglaganap ng iligal na droga sa buong Bansa. Ito aniya ang kaniyang ikinalulungkot at ikinababahala, dagdag pa ng Pangulo.
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City