(Eagle News) — Nilinaw ni Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi mapapaalis ng bansa ang China sa pinag-aagawang teritoryo sa Scarborough shoal kahit na pumabor ang arbritral tribunal sa bansa.
Dagdag pa ni Yasay na dapat malaman ng bawat filipino sa bansa na ang desisyon ng international tribunal ay para kilalanin na bahagi ng economic zone ng bansa .
Muling idiniin nito na ang Panatag Shoal ay bahagi ng international waters na ang ibig sabihin ay libre sa lahat ng bansa na mangisda sa lugar.
Bukas ay maglalabas na ng desisyon ang arbitral court sa isinampang reklamo ng territorial dispute laban sa China noong 2012.