Eagle News — Muling nilinaw ng China na iginagalang nila ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise na deklaradong bahagi ng continental shelf nito.
Batay sa inilabas na pahayag ng Chinese Foreign Ministry, sinabi ng China na hindi nila hinahabol ang maritime rights sa nasabing teritoryo lalo’t malinaw naman na sakop ito ng Pilipinas.
Muling iginiit ng China na napadaan lamang ang kanilang survey ship sa Benham Rise at wala silang intensyong pag-aralan at tiktikan ang mga yamang nakabalot doon.
Kapwa nagsusumikap ang China at Pilipinas na mapaigting ang relasyon nito sa isa’t isa at binanggit na pinalaki lamang ang nasabing usapin.