(Eagle News) — Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtuturn-over ng donasyon ng China sa Armed Forces of the Philippines para sa pagpapagamot ng mga sugatang sundalo sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang nag-abot ng cheke na nagkakahalaga ng P65 milyon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa Malacañang.
Lubos namang ikinagalak ng AFP ang patuloy na ayudang ibinibigay ng China sa bansa sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi.
Kasama rin sa turnover ceremony sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Una nang nagbigay ng P15 milyon ang China sa relief at rehabilitation efforts sa Marawi at P370 milyon halaga ng mga armas nitong Hunyo.
Bukod pa ito sa una nang ipinagkaloob na P5 milyon para sa mga sundalo sa Marawi.
https://youtu.be/xS56cvX2WIo