UNITED States — Pinaghahandaan umano ng China ang pagdomina sa East Asia.
Sinabi ni U.S. Pacific fleet Commander admiral Harry Harris, sa pag-deploy ng Beijing ng missiles sa Paracel Islands sa West Philippine Sea o South China Sea, ang paglagay ng bagong radars sa Cuarteron reef sa Spratly Islands at paggawa ng mga airstrips ay nagpapabago ng operational landscape sa pinag-aagawang mga teritoryo.
Ayon kay Harris, bahagi ito ng kagustuhan ng China na militarisasyon sa West Philippine Sea at kilalaning military power sa East Asia.
Ito ay kahit na iginigiit aniya ng Beijing na hindi militarisasyon ang ginagawa sa disputed islands.
Inihayag ni Harris na banta sa mga aircraft carriers ng Amerika ang idineploy ng China na missiles sa West Philippine Sea.