(Eagle News) – Nakikisimpatiya ang Chinese government sa mga Filipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong “Vinta.”
Ayon kay Foreign Minister Wang Yi, naniniwala ang Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas ay malalampasan ng mga Pilipino ang kalamidad at maibabalik sa normal ang kanilang pamumuhay sa lalong madaling panahon.
Una ng nagpaabot ng pakiki-dalamhati ang Canada, Australia at Estados Unidos sa mahigit kalahating milyong naapektuhang residente ng Mindanao.