Civilian armed forces at armandong grupo, nagkabakbakan sa Sirawai, Zamboanga del Norte

Civilian armed forces at armandong grupo, nagkabakbakan sa Sirawai, Zamboanga del Norte. (Photo courtesy of www.googlemaps.com)

SIRAWAI, Zamboanga del Norte (Eagle New) – Bandang 9:45 nito lamang umaga nang magkabakbakan ang ilang miyembro ng armadong grupo na pinamunuan ng nakilalang Dandi alyas ‘Batoto’ laban sa tropa ng mga Civilian Armed Forces Geographical Units  (CAFGU) na pinangunahan naman ni Albert Caduyac. Nangyari ang bakbakan sa Brgy. Tapanayan, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sirawai Municipal police station, nagsasagawa ng combat patrol ang tropang CAFGU sa nabanggit na lugar kung saan ay namataan ang ilang mga armadong grupo na nagresulta sa mahigit labinlimang minutong bakbakan o sagupaan ng dalawang grupo.

Matapos rumesponde ang mga militar ay agad namang umatras ang armadong grupo. Nagsagawa naman kaagad ng clearing operations at checkpoints ang mga operatiba ng Philippine National Police ng Sirawai sa mga posibleng daanan o takasan ng mga ito.

Wala namang naiulat na nasugatan o biktima sa nasabing engkwentro.

(Eagle News Zamboanga Correspondent Hazel Arias)

Related Post

This website uses cookies.