CJ Sereno, ‘di obligadong humarap sa impeachment trial – SP Pimentel

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi umano obligado si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dumalo sa ikakasang impeachment trial case laban sa kaniya.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel.

Ayon pa sa senador, personal choice nito kung haharap sa kanila ang punong mahistrado.

Welcome naman si Chief Justice Sereno kung nais niyang mag-testify sa harap ng impeachment court.

Samantala, tumanggi naman si Pimentel na magkomento hinggil sa mga kasong kriminal na posibleng harapin ni Sereno sa oras na masibak ito sa pwesto.

Giit ni Pimentel, hindi pinag-uusapan ang pagkakaso sa impeachment dahil kailangan munang maalis sa pwesto ang isang Chief Justice bago makasuhan.

https://youtu.be/adNhgcgHsFM