CJ Sereno, nagpaabot ng pagbati kina Duterte at Robredo

File Photo: Chief justice Maria Lourdes Sereno

(Eagle News) — Nagpaabot ng pagbati si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kina President-elect Rodrigo Duterte at vice president-elect Leni Robredo isang araw matapos ang kanilang proklamasyon.

Ayon kay Sereno, ang tanging maipapangako ng hudikatura sa administrasyong Duterte ay ang patuloy nilang pagpapatupad ng rule of law na patas at tama at may mapanuring mata.

Samantala, ibinasura naman ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni senatorial candidate Francis Tolentino na humihiling na pansamantalang ipatigil ang proklamasyon sa mga nanalong senador na nasa ika-10 hanggang ika-12 pwesto.

Ayon sa Korte Suprema, “moot and academic” na ang kasong inihain ni Tolentino.

Matatandaang nasa nasa top 13 si Tolentino sa mga tumakbong senador batay sa official tabulation ng Commssion on Elections.

 

Related Post

This website uses cookies.