Clean-up drive isinagawa ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Lamitan City, Basilan

LAMITAN CITY, Basilan (Eagle News) – Nagsagawa ang ilang ahensiya ng Lamitan City sa Basilan ng clean-up drive nitong Martes, April 18 sa lahat ng metro barangay kabilang ang Sta. Clara at Ubit. Pinangunahan mismo ni Mayor Rose Furigay at asawang si Vice Mayor Roderic Furigay ang aktibidad. May tema itong “Environmental and Climate Literacy” alinsunod na rin sa paggunita ng Earth Day Celebration.

Ang nasabing socio-civic activity ay pinangunahan ng mga empleyado ng Bureau of Fire Protection (BFP) na pinamumunuan ni SFO4 Vincent Salderiega Lamitan Chief Marshal.

Masaya namang nakipagkaisa ang mga residente ng nasabing barangay. Mula sa magulang hanggang sa kanilang mga anak ay tumulong sa paglinis sa mga maruruming kanal. Nilinis rin nila ang mga gilid ng kalsada at ng buong kapaligiran.

Christine Garcia – EBC Correspondent, Lamitan City, Basilan

Related Post

This website uses cookies.