CAPIZ, Philippines (Eagle News) — Pinangunahan ng mga Kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang Clean Up Drive sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Capiz. Ang ilan sa mga pinagsagawaan ng clean-up drive ay ang bayan ng Panitan, Mambusao at Panay.
Nagdala ng kani-kaniyang gamit panglinis ang mga kaanib ng Iglesia gaya ng dust pan, walis tingting, kalaykay at mga sako na paglalagyan ng mga basura. Nasa 500 na mga kaanib ang buong kasiglahang nakipagkaisa para sa naturang aktibidad.
Bago isagawa ang aktibidad ay nakipag-coordinate muna ang mga pamunuan ng INC sa mga barangay captain at kapulisan na nakasasakop sa mga lugar kung saan isasagawa ang mga Clean Up Drive. Sa kabila ng napakainit na panahon, hindi naging hadlang sa mga miyembro nito ang tumulong sa pagpapanatili ng isang malinis na kapaligiran.
(Eagle News Nathaniel Flores)