Clearing operation sa mga nagtitinda sa bangketa ng Mariveles, Bataan, pinangunahan ng pamunuan ng pamilihang bayan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Clearing Operation ang pamunuan ng pamilihang Bayan ng Mariveles, Bataan sa lahat ng nagtitinda sa bangketa sa palibot ng palengke at maging ang mga nagtitinda sa pasilyo nito. Kasama na rin ang lahat ng may pwesto na naglagay ng extension dahil wala na halos madaanan ang mga mamimili.

Nagkalat na rin ang mga illegal vendors tulad ng nagtitinda ng gulay sa Meat at Fish Section, ganoon na rin ang mga natitinda ng niyog sa Vegetable Section samantalang mayroon naman itong sariling Coconut Section.

Ayon kay Committee Chair on Public Market, Councilor Joey Carandang, ang mga bagay na ito ang dapat maisaayos kaagad na magkakaroon ng section by section ang mga pangunahing paninda.

Personal namang nag-inspection si Mayor Ace Jello Conception sa Pamilihang Bayan at nakipagdayalogo ito sa mga nagtitinda kasama ang Sangguniang Bayan at hiningi nito ang tulong ng mga nagtitinda upang lalong maisaayos at mapaganda ang pamilihang bayan.

Namahagi din ng bigas at can goods ang Local Government Unit ng Mariveles sa may 33 pamilya na apektado sa nasabing pagbabaklas at clearing operation at pinanakuang ihahanap ng pwesto at ilalagay sa maayos ang kanilang tindahan.

(Eagle News Service Larry Biscocho)

DSC_2967

DSC_2969

DSC_2971

photo_2016-08-05_07-45-14

photo_2016-08-05_07-45-56

photo_2016-08-05_07-46-16

photo_2016-08-05_07-46-24

photo_2016-08-05_07-46-38