Cloud seeding operations sa Cebu at Bohol kasado na

QUEZON City, Philippines — Kasado na ang cloud seeding operations sa Cebu at Bohol para maibsan ang matinding epekto ng El Niño phenomenon.

Pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng artificial rain matapos bumaba sa halos 50 porsyento ang supply ng agricultural products dahil sa matinding tagtuyot.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pumapalo na sa 200 million pesos ang kabuuang pinsala ng El Niño sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu.

Samantala, patuloy ang Provincial Veterinary Office sa pamamahagi ng mga bitamina para palakasin ang resistensya ng mga alagang hayop. (Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.