Itutuloy ng Department of Agriculture ang cloud seeding program ngayong Mayo sa Region 10 sakaling patuloy pang mararanasan ang El Niño phenomenon.
Napag-alamang naglaan ng nasa P177 million na pondo ang gobyerno para sa quick response funds sa mga magsasaka sa nabanggit na rehiyon na ayon naman sa DA ay nakabatay din sa laki ng pinsalang dulot ng matinding init sa lugar.
Samantala bago pa man ang planong cloud seeding, namahagi na anila ng 58 units ng water pump engines ang DA sa Bukidnon, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental bilang tulong sa mga magsasaka sa naturang rehiyon.