Cloud seeding sa Bohol, muling isasagawa

HULYO 15 (Probinsya) — Muling magsasagawa ng cloud seeding na magsisimula ngayong ikatlong linggo ng Hulyo 2015 ang lalawigan ng Bohol.

Ang isasagawang cloud seeding ay upang mapunan ang kakulangan ng tubig sa kanilang dams sa nasabing probinsya.

Sa cloud seeding na ito, tinatayang aabot sa 1.8 milyong piso ang gugulin ng gobyerno.

(Agila Probinsya Correspondent Angelie Bitas)