Inamyendahan ng nasabing batas ang kasalukuyang Tariff and Customs Code na umiral noong 1978 at inaasahang magmomodernisa sa pasilidad, proseso at pangkalahatang operasyon ng Bureau of Customs (BOC).
Sa pagsasabatas ng CMTA, inaasahan ang implementasyon ng mga reporma sa BOC kabilang ang full electronic processing ng mga shipment, streamlining ng export at import procedures, gayundin ang pagpapasimple sa proseso ng pagkumpiska at disposisyon ng mga ilegal na kargamento.
Sa ilalim ng bagong batas, itataas din ang exemption sa buwis na ipinapataw sa balikbayan boxes sa pamamagitan ng pagtataas sa value ng malilit na items – mula sa P10.00 hanggang sa P10, 000.
Kaugnay nito, inaasahan ding mababawasan ang insidente ng katiwalian sa hanay ng mga nanunungkulan sa ahesnya gayundin ang technical smuggling at sa kabilang banda ay higit na mapagbubuti ang koleksyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng cashless, faceless at paperless environment.
Kasabay nito, inihahanda na rin ang kasalukuyang sistema ng ahensya sa bagong probisyon ng CMTA na nakatuon sa business process re-engineering, computer-based systems development, organizational development, capacity building at external communications and education.