METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng coastal clean up drive kamakailan ang dalawang grupo ng NGO sa tabi ng US Embassy.
Layunin ng grupo na mapangalagaan ang Manila Bay. Maaga pa lang ay nagtipun-tipon na ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at Motorcycle Riders Againts Crimes (MRAC) para pagtulungang linisin ang tabing dagat ng Roxas Boulevard.
Makikita ang kahandaan ng mga dumalo dahil nagsuot sila ng bota at hands glove, may dala rin silang sako karet, walis at iba pang gamit panglinis. Nilinis nila ang mga basura at kalat sa nasabing lugar dahil nais nilang mapanatili ang kalinisan nito.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Capt. Ernesto T. Echauz ng PCGA at ni Leoncio Naredo, Pangulo ng MRAC.
Joey Tagum – EBC Correspondent, Metro Manila