Nakatakdang lagdaan ang kasunduan sa Coconut Agro-industrial Hub Project sa Bohol ngayong Agosto na mahigpit na isinusulong ni Gobernor Edgar Chatto.Layunin ng proyektong ito na matulungan ang mga magniniyog na mga Boholano.
Ang Coconut Multi-product Processing Center ay nakatakdang itatayo sa bayan ng balilihan. Ang Balilihan ay isang model project sa bansa na sinuportahan ng World Bank sa pamamagitan ng Phil. Rural Development Program.
(Agila Probinsya Correspondent Angie Valmones, agle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)