Nagsagawa ng on-site verification ang Commission on Elections o COMELEC-Bohol para matukoy ang listahan ng mga botante at i-a-assign na polling precinct sa mga ito.
Ayon Kay Malou Cempron, Election Assistant II ng provincial COMELEC Office, ang proyekto na precinct at on-site verification sa lalawigan ay upang matukoy kung ilan na mga botante ang pinyagang bumoto, mga kagamitan sa darating na halalan tulad ng precinct count optical scan (PCOS) machine at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa election 2016.
(Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)