QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Humiling ang Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 14 kaugnay ng idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Batay sa inilabas na Resolution 10301, sinabi ng Comelec na dapat mabigyan ng oportunidad ang mga Filipino na magawa ang kanilang karapatan na makaboto.
Ang resolusyon ay nilagdaan nina Comelec Acting Chairman Commissioner Al Pareno, at mga commissioners na sina Luie Guia, Rowena Guanzon at Sheriff Abas.
https://youtu.be/jVW64Suaqqc