COMELEC, humingi na ng tulong sa NBI

Pormal ng humingi ng tulong ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para matukoy ang nasa likod ng pag-hack ng kanilang website.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na bagamat walang nakuhang mga sensitibong files ang mga hackers ay minabuti nilang humingi ng tulong sa NBI para hindi na maulit pa ang pagpasok ng mga hackers sa kanilang websites.

Unang inako ng Anonymous Philippines ang pagpasok sa websites ng COMELEC noong linggo ng gabi kung saan hiling nila ang buong pag-implementa ng security features ng vote counting machines para sa May 9, 2016 elections.

Isa ring grupo na nagpakilalang LULZSEC ang nag-upload ng 340 gigabytes ng mga nakaw na COMELEC database sa kanilang Facebook.

Related Post

This website uses cookies.