Comelec, inatasan ng SC na maghain ng komento sa tinanggap na petisyon

Screen shot 2016-06-08 at 9.13.18 PM(Eagle News) — Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) na maghain ng komento sa petisyon na humihiling na i-prosecute nito ang mga opisyal ng Smartmatic na nagpalit ng hashcode ng transparency server noong gabi ng eleksyon.

Mayroong 10 araw ang poll body para isumite ang kanilang komento sa petisyon nina Atty. Eduardo Bringas, Reuben Abante at Moses Rivera.

Iginiit ng mga petitioner na dapat ipaliwanag ng Comelec ang vote upsurge and fall partikular sa vice presidential race noong gabi ng eleksyon.

Hiniling din ng mga petitioner na atasan ng Supreme Court ang Comelec na bigyan ng access ang publiko sa source code ng 2016 automated elections system.

Samantala, nais naman ng Korte na ibigay ng Comelec ang kumpletong update ng election result na inilabas ng transparency server at ang raw data kung saan ito nagmula.