COMELEC nagsagawa ng motorcade para ikampanya ang “No Bio, No Boto”

AGOSTO 10 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng motorcade ang mga kawani ng mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Aurora, kasama ang ilang mga nasa private sector upang ikampanya sa mga mamamayan ang ukol sa pagpaparehistro at sa mga dati nang botante ang ukol sa pagpapa-biometrics.

Layunin ng isinagawang motorcade na ipaunawa sa mga botante na kapag hindi pa sila nakapagpa-bometrics ay hindi sila makaboboto sa eleksiyong isasagawa sa 2016.

(Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)