(Eagle News) — Sang-ayon ang Commission on Election (Comelec) sa plano ng Department of Education (DepEd) na i-ban ang mga kandidato sa graduation ceremonies.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nauunawan ng ahensya ang ginagawang pagtulong ng ilang kandidato sa graduation ceremonies sa pamamagitan ng mga donasyon ngunit hindi sila pabor sa paggamit ng ilan sa aktibidad upang mangampanya.
Kaya naman plano na ng DepEd na ipagbawal na ang graduation speech maging ang pag-iimbita sa mga kakandidato sa 2019 midterm elections sa graduation ngayong taon.