COMELEC-Pangasinan umapila sa mga botante na magpa-biometrics na

AGOSTO 10 (Agila Probinsya) — Wala pa umano sa pitong porsyento ang nakakapagpa-biometrics sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Kaya naman umaapila ang lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) roon sa mga botante na wala pang biometrics registration na magtungo na sa kanilang tanggapan.

Sa tala ng COMELEC Binmaley, nasa 6.38 percent pa lamang ang nagkapagpa-biometrics sa nasabing bayan.

Nagpaalala ang ahensya na ang deadline ng pagpaparehistro ay hanggang sa October 31 na lamang.

(Agila Probinsya Correspondent Norby Carrera)

Related Post

This website uses cookies.