COMELEC patuloy ang panawagan sa mga magpaparehistro sa SK at barangay election

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Patuloy ang pananawagan ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga nais humabol upang magparehistro bilang botante para sa Sangguniang Kabataan at barangay elections hanggang Huwebes, Nobyembre 30.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, dapat iwasan ng mga botante ang paghabol sa deadline o kaya ay mag-last minute registration.

Bukas ang mga opisina ng COMELEC mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (8:00 AM-5:00 PM), mula Lunes hanggang Sabado.

Magugunitang makailang beses ng inilipat ang SK at barangay election na gaganapin sa May 14, 2018.

Related Post

This website uses cookies.