COMELEC Registration isinagawa sa Brgy. Sun Valley, Parañaque City

PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Kasalukuyang isinasagawa ang COMELEC Registration ngayon araw (Martes) April 25, sa Barangay Hall, Barangay Sun Valley Parañaque City. Sinimulan ang registration bandang 8:00 ng umaga. Subalit bago ang itinakdang oras ay madami na ang nakapila upang makapagparehistro.

Ang ganitong programa ay isinagawa ng Parañaque COMELEC sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon sa mga Punong Barangay ng nasabing lungsod. Para ang mga residente na hindi pa nakapagparehistro ay mas makapagparehistro na na hindi na kailangang pumunta pa sa Munisipyo.

Malaking tulong din ito sa mga residente dahil hindi na sila gugugol ng mahabang oras. Makakatipid din ng pamasahe ang mga nagnanais na magparehistro. Kaya nagpapasalamat ang mga residente sa ganitong programa ng lungsod at ng Barangay.

Hanggang 3:00 ng hapon ay tatanggap ang COMELEC ng aplikante sa nasabing barangay. Ang mga hindi makakaabot ay inaabisuhan na magtungo sa San Antonio Sport Complex, Barangay San Antonio, Parañaque City para sa huling apat (4) na araw na pagpaparehistro simula sa araw ng Miyerkules, April 26, 2017 hanggang Sabado, April 29, 2017. Ito ay para sa darating na halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na gaganapin sa Oktubre 23, 2017 ayon na din sa inilabas ngCommission on Elections.

Melanie dela Cruz – EBC Correspondent, Parañaque City

Related Post

This website uses cookies.