Comelec sa mga botante: Huwag maglagay ng anumang marka gaya ng ’emoji’ sa balota

(Eagle News) — Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante lalo na sa mga kabataan na huwag lalagyan ng anumang marka gaya ng ‘emoji’ ang balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Dahil sa manu-mano ang botohan sa Lunes, Mayo 14, mga blangkong balota ang ibibigay kung saan isusulat ang mga pangalan ng mga ibobotong kandidato.

Ayon sa Comelec, maibibilang na stray votes o hindi kikilanin na boto ang mga balotang may kakaibang marka.

Daraan sa pagsusuri ng Board of Election Tellers (BET) ang mga balota sa bilangan kung saan ide-determina kung dapat na maging valid o hindi ang mga ito.

 

https://youtu.be/8rGoRanKKIQ