QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Commission in Elections (Comelec) na ligtas ang kanilang systems at database upang hindi na maulit ang insidente ng hacking na nangyari bago ang May 9 elections.
Ayon kay Chairman Andres Bautista, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) ukol dito at patuloy ang pag-monitor sa anumang tangkang maka-pasok sa kanilang web-site at systems.
Matatandaang isang (1) buwan bago ang May 9 elections nahack ng grupong Anonymous Philippines ang website ng Comelec na nagresulta sa pag-leak ng personal information ng mga botante sa internet.