Comparison chart ng luma at bagong coin series, inilabas ng BSP

(Eagle News) – Naglabas na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng isang comparison chart ng bago at lumang P5 barya.

Ito ay matapos ang sinasabing kalituhan na idinulot ng bagong disenyo ng barya.

Ayon kay Senadora Nancy Binay, ang barya ay kamukhang kamukha ng P1.

Ayon sa BSP, mas mabigat ang bagong P5, mas makapal, malaki ng kaunti at makinis din ang gilid nito kumpara sa piso.

Makikita sa comparison chart na mula 27 millimeters ay 25 mm na lamang ang sukat ng bagong P5 at mas magaan ito.

Ang dating gold color nito ay naging silver na.

Mapapansin din na sa harap nito ay hindi na si Emilio Aguinaldo ang mukha na nakaukit kundi si Gat. Andres Bonifacio.

Sa likurang bahagi naman ng bagong P5 ay makikita ang halamang tayabak, current BSP logo at micro print.

 

Related Post

This website uses cookies.