Mas komprehensibo umano ang approach ng Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng kanilang anti-poverty project kumpara sa Conditional Cash Transfer o CCT program ng gobyerno.
Ito ang pahayag ni Leyte Representative at Senatorial Candidate Martin Romualdez bunsod na rin ng magandang resulta ng mga proyekto ng INC para sa paglaban ng kahirapan.
Inihalimbawa ni Romualdez ang matagumpay na resettlement at livelihood project ng INC na isinagawa sa Tacloban matapos ang trahedyang dulot ng bagyong Yolanda.
Una rito, ang CCTprogram ng pamahalaan na tinaguriaang “band-aid solution” ng mga kritiko ng administrasyon ay umani ng kaliwa’t kanang batikos hindi lamang sa publiko kundi maging sa mga opisyal ng gobyerno.
Kaya naman tuloy-tuloy din aniya ang kaniyang pagsuporta sa mga proyekto ng INC sa paglaban ng kahirapan lalo na sa kanilang rehiyon na karamihan sa mga probisnya ay kabilang sa mga tinaguriang poorest of the poor provinces.
Ayon kay Romualdez, nakita niya ang tunay na pagmamalasakit ng Iglesia Ni Cristo sa mga kababayan nating mahihirap.
Ramdam din umano ang determinasyon ng INC na maisakatuparan ang ganitong mga proyekto na kapag kanilang nasimulan ay tiyak na may mangyayari. (Eagle News Service)