Ni Angelie Bitas
Eagle News Correspondent
LOON, Bohol (Eagle News) – Isa sa tourist attraction na bumulaga sa lahat ngayon ay ang pagkakaroon ng Coral Garden sa probinsya ng Bohol.
Ang atraksyong ito ay resulta ng paghagupit ng lindol noong Oktubre 15, 2013. Bagamat nagdulot ito ng masamang resulta nagkaroon naman ito ng kagandahang naidulot. Ito ay dahil umusbong ang isang coral garden sa lalawigan.
Ang nasabing atraksyon ay tinawag na Coral Garden dahil kung titingnan sa malayo ay iisipin ng sinuman na ito ay mga soft coral pero hindi ito mga coral kundi ice plants at carpet weeds.
Ang mga turistang nais bumisita sa nasabing lugar ay kailangan munang sumakay ng jeepney mula sa Tagbilaran City na ang pamasahe ay Php 35.00. At pagkatapos ay bababa sa Brgy. Tangnan, Loon, Bohol kung saan ay walking distance na lamang mula sa Highway. Wala ring entrance fee ang nasabing coral garden.
Ang paglitaw ng coral garden ay nagpapa-alaala na ang buhay ay tungkol sa paghahanap ng kagandahan na mayroon tayo.