Councilor Bernard Al-ag opisyal nang umupo bilang bise alkalde ng Davao

(Eagle News) – Opisyal nang umupo bilang vice mayor ng Davao si 3rd District Councilor Bernard Al-ag kapalit ng nagbitiw sa puwesto na si Paolo Duterte.

Isinagawa ang oath-taking ceremony ni Al-ag sa pangunguna ni Mayor Sara Duterte noong Miyerkules, ika-10 ng Enero.

Disyembre 25 nang magbitiw sa puwesto ang presidential son.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng batang Duterte na nagbibitiw siya sa ngalan ng delicadeza.

Binanggit din niya ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa paglusot ng P-6.4 billion shabu shipment mula sa China.

Noong Biyernes, ika-5 ng Enero, tinanggap ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagbitiw.

 

 

Related Post

This website uses cookies.