ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Naglabas na ang City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Ormoc City ng listahan ng mga barangay na masyadong naapektuhan ng nangyaring lindol noong Huwebes, Hulyo 6. Ito ay ipinaskil sa Central Command Post at Ormoc City Hall.
Ayon sa CSWDO ang Top 5 Most Affected Barangays ay ang mga sumusunod:
- Tongonan
- Milagro
- Cabintan
- Lake Danao
- Cabaon-an
Ayon naman sa Ormoc City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), sa 12 barangay na naapektuhan ng lindol na talang nakuha mula July 9 ay nasa 743 na mga bahay ang totally damage at 941 naman ang partially damage.
Anim na barangay naman sa Ormoc City ang napektuhan ng landslide, ang mga ito ay ang mga barangay ng Kabanao-an, Tongonan, Milagro, Lake Danao, Gaas, Liberty. Habang dalawa naman sa bayan ng Kananga ang naapektuhan.
Samantala, sa isinagawang inspeksyon ng PHILVOCS noong Linggo (July 9) ay 600 na na-aftershocks ang naitala. Inirekomenda nilang huwag ng patirahan ang mga barangay na nasa fault line lalo na ang Brgy. Tongonan dahil lubhang mapanganib at hindi na ligtas ang nasabing lugar. Ang Purok 3 at Purok 4 naman ng Brgy. Milagro ay inihahanap naman ng relocation site dahil delikado ito sa landslide.
Kimberly Urboda – Eagle News Correspondent, Ormoc City, Leyte