(Eagle News) — Namahagi na ang provincial at municipal agriculture offices ng South Cotabato ng 5,635 na sako ng certified rice seeds at abono sa mga magsasakang beneficiaries ng High Yielding Technology Adoption (HYTA) program.
Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan, bahagi ang naturang distribution ng first tranche ng support assistance sa mga magsasaka sa pagsisimula ng planting season.
Napag-alamang bahagi ng 52, 534 bags ng high yielding at certified seeds na nagkakahalaga ng P 71.4 million ang natanggap ng lalawigan.
Samantala, mamamahagi naman ng certified corn seeds sa susunod na mga linggo ang DA.