DA, magsasagawa ng cloud seeding dahil sa El Niño

(Eagle News) — Magsasagawa ng cloud seeding sa loob ng linggong ito ang Department of Agriculrure upang matugunan ang problema ng mga magsasaka kaugnay sa tagtuyot.

Labing-isang bayan na sa Occidental Mindoro ang apektado ngayon ng El Niño at may dalawang barangay na ang nagdeklara na ng state of calamity.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ang pinaka-apektadong ng El Niño hanggang sa Mayo ay ang cental Luzon at ang Visayas.

Tiniyak naman ng kalihim na may ginagawa sila sa kagawaran at ang pamahalaan para mapaghandaan ang epekto ng El Niño.

https://youtu.be/7_3fJ47QB1A