Daan-daang botante sa Lucban, Quezon nagreklamo dahil walang pangalan sa listahan ng mga botante

LUCBAN, Quezon — Daan-daang mga botante ang nag-alsa at nagreklamo sa Lucban, Quezon dahil wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga botante kahit na nag-update naman sila ng kani-kanilang biometrics.

Ang naging solusyon na lamang ng COMELEC-Lucban sa problemang ito ay bigyan sila ng certification upang makaboto kahit na wala ang kanilang mga pangalan sa Voter’s List. Ngunit nang dumating na sila sa kani-kanilang mga polling precinct ay wala nang mga balota na nakalaan para sa kanila.

Sa bayan pa rin ng Lucban, hindi na pinapasok ang mga botante mula sa labing isang barangay sa Southern Luzon State University na isa sa mga polling precinct dahil hinarangan ang nasabing lugar ng mga sasakyan mula sa kampo ng incumbent mayor ng bayan. (Eagle News)

 

Related Post

This website uses cookies.