Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

(Eagle NewsScreen shot 2016-05-23 at 8.28.49 PM) –Nag-anunsiyo na ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Phoenix Petroleum Philippines Inc.

Simula bukas, 6:00 ng umaga, magtataas ang Shell ng P1.20 sa kada litro ng gasolina; P1.25 sa kada litro ng kerosene at P1.00 naman sa kada litro ng diesel.

Samantala, P1.20 rin ang ipatutupad na dagdag-presyo ng Phoenix sa kada litro ng gasolina at P1.00 sa kada litro ng diesel.