Dagdag-singil sa toll rates sa ilang bahagi ng NLEX, simula na ngayon araw, Nov. 6

(Eagle News) — Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa toll rates sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa NLEX, 25 sentimos ang dagdag singil sa kada kilometro ng mga motoristang dadaan sa closed system ng naturang expressway, epektibo ngayong umaga.

Partikular na ipapatupad ang toll increase sa bahagi ng NLEX sa pagitan ng Marilao Exit sa Bulacan hanggang Sta. Inez Exit sa Mabalacat, Pampanga.

Dahil sa toll fare increase, madaragdagan na ng 18 pesos ang toll fee para sa Class 1 vehicles, habang dagdag na 46 at 56 pesos naman para sa mga Class 2 at Class 3 na uri ng sasakyan.

Maliban dito, wala namang magiging dagdag sa toll para sa iba pang bahagi ng NLEX.

Related Post

This website uses cookies.